Home METRO Bahay sa Angeles City, pinasabugan ng 2 granadaMETRONATIONWIDETOP STORIES Bahay sa Angeles City, pinasabugan ng 2 granadaOctober 29, 2025 08:482540 FacebookTwitterPinterestWhatsApp PAMPANGA – Pinasabugan ng dalawang granada sa labas ng isang bahay sa isang subdivision sa Angeles City, noong Biyernes ng gabi.Base sa imbestigasyon, ang mga granada ay itinapon ng dalawang salarin sakay ng motorsiklo.Makikita sa CCTV ang riding in tandem na sandaling huminto sa harap ng bahay bago umalis.Wala namang nasaktan, ngunit nasira ang ilang nakaparadang sasakyan.Nakalabas ang mga suspek ng subdivision.Hinigpitan ng pulisya ang seguridad at patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin. RNT