MANILA, Philippines – Itinanggi ni dating Ombudsman Samuel Martires ang paggawa ng midnight appointments, at sinabi na ang pag-hire at promosyon sa huling taon ng kanyang panunungkulan ay kinakailangan.
Ayon sa kanya, ang 204 bagong hire at na-promote mula Mayo hanggang Hulyo 2025 ay aprubado ng Department of Budget and Management at inilathala sa Civil Service Commission.
Kasama sa appointments ang mula sa driver hanggang sa mga abogado, at ang promosyon sa dalawang Assistant Ombudsman ay base sa merit bilang kapalit ng mga nagretiro.
Dati namang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na ang ilang hires, partikular ang 99 na kumikita ng higit P160,000 kada buwan, ay dapat magsumite ng courtesy resignation. Santi Celario