Home METRO Bahay sinunog ng binatang ‘praning’, 85-anyos natusta

Bahay sinunog ng binatang ‘praning’, 85-anyos natusta

Bulacan – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 85 anyos na babae na natusta matapos umanong sunugin ng binata ang compound sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang nasawing si Aling Rosa, dalaga, residente ng Antonio Compound, Sitio Panaklan, Brgy. Muzon South.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-12:51 ng madaling araw nitong Mayo 17 sa nasabing compound.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, isang binatang nagngangalang Bernard, 38, kapwa residente ng compound ang nakitang nagbasag ng mga bote ng varnish na isinaboy sa paligid ng kanyang bahay at walang kaabog-abog na sinindihan.

Dahil dito, nagliyab ang compound hanggang sa masunog ang tinutuluyan ng biktima na gawa sa light materials na kanyang agarang ikinasawi.

Nabatid na bandang ala-1:39 ng madaling araw ay idineklarang fire out at natuklasan ng mga rumespondeng bumbero ang nasunog na biktima sa kanyang kama.

Naaresto naman kalaunan ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso habang nakakulong sa himpilan ng pulisya. Dick Mirasol III