CAVITE – Nasamsam ng mga awtoridad ang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang high-value target sa buy-bust operation sa isang mall parking lot sa Bacoor City nitong Sabado.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency Calabarzon (PDEA Calabarzon) ang suspek na si Eugene, residente ng Tondo, Manila.
Nakumpiska sa operasyon ang 500 gramo ng white crystalline substance.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kapulisan ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang buy-bust operation ay isinagawa ng PDEA Calabarzon sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police Cavite Maritime Police Station. RNT/SA