MANILA, Philippines- Nasa 10 mula sa 14 examinees ang pumasa sa Speech-language Pathologists computer-based licensure examination na isinagawa nitong May 2025, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes.
Ipinalabas ng Board of Speech-Language Pathology, binubuo nina Maria Eusebia Catherine S. Sadicon, Chairman; Hon. Juan Paulo D. Santuele at Hon. Ma. Rowena A. Ynion, ang resulta isang araw matapos ang pagsusulit.
Sinabi rin ng PRC na ang petsa at venue para sa oathtaking ceremony ng bagong successful examinees sa nasabing pagsusulit ay iaanunsyo pa. RNT/SA