Home NATIONWIDE Balasahan sa Senado, alamin

Balasahan sa Senado, alamin

259
0

MANILA, Philippines – Hindi na pinaporma ng bagong mayorya sa Senado sa pamumuno ni Senate President Vicente Sotto III ang ilang minorya sa paghawak ng makapangyarihang komite matapos silang kaagad na patalsikin nitong Martes.

Sa ginanap na sesyon nitong Martes, inihayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pagbabago sa chairmanships ng ilang komite, partikular ang Senate Blue Ribbon Committee at National Defense and Security.

Kaugnay nito, nahalal bilang Senate Minority Leader si Senador Alan Peter Cayetano, habang sina Senador Rodante Marcoleta at Joel Villanueva ay itinalagang deputy minority leader.

Pinalitan ni Senador Panfilo Lacson si Marcoleta sa Blue Ribbon Committee.

Inalis din si Senador Imee Marcos sa Labor Committee na ngayon ay pinamumunuan ni Senador Raffy Tulfo.

Nakopo naman ni Senador Loren Legarda ang Higher, Technical and Vocational Education Committee na dating pinamumunuan ni Cayetano.

Kapalit naman ni Senador Jinggoy Estrada sa Defense Committee si Legarda, habang si Cayetano ay itinalagang chairman ng Committee on Accounts.

Ang mga senador na bumubuo ngayon ng Minority bloc ay sina Senador Escudero, Villanueva, Estrada, Marcoleta, Go, Dela Rosa, Robinhood Padilla, at Marcos.

Itinuturing ito na isa sa pinakamalaking grupo ng oposisyon sa kasaysayan ng Senado. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here