Home HOME BANNER STORY Traslacion 2026 pinaghahandaan na

Traslacion 2026 pinaghahandaan na

279
0

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang pamunuan ng Quiapo Church para sa gaganaping Traslacion 2026, isa sa pinakamalaking taunang tradisyong panrelihiyon sa bansa.

Sa isang pagpupulong na pinangunahan ni Rev. Fr. Jade Licuana at ni DTCAM Officer-in-Charge Cristal Bagatsing, tinalakay ang mga preparasyon para sa inaabangang prusisyon ng Nuestro Padre Jesús Nazareno.

Tiniyak naman ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang buong suporta ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at maayos na daloy ng prusisyon.

Binigyang-diin din ng pamunuan ng simbahan ang kahalagahan ng maagang koordinasyon at pagtutulungan ng simbahan, lokal na pamahalaan, at ng mga deboto para maging maayos at manatiling sagrado ang naturang pagdiriwang.

Ang Traslacion ay taunang dinarayo ng milyun-milyong deboto mula sa iba’t ibang panig ng bansa bilang pagpapakita ng kanilang malalim na pananampalataya sa Itim na Nazareno. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here