Manila, Philippines — Tila nakaramdam na si Heart Evangelista na masisipa ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero bilang Senate President.
Bago kasi pumalit ang ngayo’y SP na si Senator Tito Sotto, na pinuno ng majority bloc, ay may post ang fashion icon-actress na:
“Please be kind.”
Ito’y sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee hinggil sa mga sangkot sa maanomalyang flood control project ng DPWH.
Ngayong balik-mambabatas si Chiz, ibig bang sabihin ay babalasahin na rin ang SSFI o Senate Spouses Foundation, Inc.?
Si Heart ang nahalal na pangulo nito.
Sa pag-upo ni Tito Sen bilang kasalukuyang SP, sa pagsipa ba kay Heart ay si Helen Gamboa o ang anak nilang si Ciara Sotto ang hahalili?
Mababago rin ba ang posisyon ni Frankie, anak nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta?
Samantala, marami ang nagtatanong kung bakit minadali ang proseso ng pagpapalit ng liderato sa Senado. Ano ang mas malalim na dahilan sa likod nito? (Ronnie Carrasco III)