Home NATIONWIDE Balik-kuryente sa mga lugar na hagip ni Uwan, tatagal pa ng 1...

Balik-kuryente sa mga lugar na hagip ni Uwan, tatagal pa ng 1 buwan – DOE

320
0

MANILA, Philippines – Maaaring umabot ng isang buwan bago ganap na maibalik ang kuryente sa mga lugar na tinamaan ng Super Bagyong Uwan, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Martes, matapos sirain ng malakas na hangin at matinding ulan ang maraming linya ng kuryente.

Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, 17 milyong tao (3.4 milyong pamilya) ang nananatiling walang kuryente, kabilang ang mga customer ng Camarines Norte Electric Cooperative at Camarines Sur Electric Cooperatives 1, 3, at 4.

“Alam ko po medyo matagal yan pero malaki rin yung damage. Have patience lang sana,” ani Garin.

Pinaprayoridad ng DOE ang mga ospital, evacuation centers, pasilidad ng tubig, at command centers, at maaaring magpadala ng linemen mula Mindanao.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), higit sa 10 transmission lines sa Luzon at Visayas ang hindi pa gumagana, at siyam na planta ng kuryente ang kasalukuyang inaayos.

Samantala, tataas ang Meralco electricity rates ng 15 centavos kada kilowatt-hour ngayong Nobyembre, na katumbas ng humigit-kumulang ₱30 dagdag sa 200 kWh at ₱76 sa 500 kWh. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here