Home NATIONWIDE #WalangPasok sa iskul, opisina sa ilang lugar sa epekto ni Uwan

#WalangPasok sa iskul, opisina sa ilang lugar sa epekto ni Uwan

281
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase at trabaho sa Miyerkoles, Nobyembre 12, sa ilang lugar na tinamaan ng Super Bagyong Uwan.

Sa Nueva Vizcaya, inihayag ni Governor Jose Gambito na walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan, pampubliko man o pribado, at sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan dahil sa hindi madaanan na kalsada at delikadong lugar.

Ang mga empleyado sa finance offices ay puwede pa ring mag-report o maging on-call.

Sa Tuguegarao, Cagayan, iniutos ni Mayor Maila Ting Que ang suspendido ng klase, kabilang ang Law, Medicine, at Graduate Studies, pati na rin ang lahat ng government offices.

Mananatili sa trabaho ang mga frontliners at ahensyang may kinalaman sa essential services.

Ilan pang lugar na suspendido ang face-to-face classes ay ang Hinigaran, Negros Occidental (Nob. 12–14), Basista, Pangasinan (Nob. 12–14), Binmaley, Pangasinan, Aparri, Cagayan, at Solana, Cagayan.

Hinikayat ang mga paaralan na magpatupad ng modular o distance learning. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here