Home NATIONWIDE Balik-SP ni Chiz, ‘di suportado ng ‘SB 11’

Balik-SP ni Chiz, ‘di suportado ng ‘SB 11’

56
0

MANILA, Philippines — Hindi susuportahan ng 11-miyembrong Senate Minority Bloc ang anumang posibleng pagbabalik ni Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang Senate president, ayon kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan, may mga naging pag-uusap hinggil sa usapin ngunit agad itong tinanggihan ng minority bloc.

“There were intermediaries, but not Sen. Chiz himself. But immediately nga di na pinalaki pa dahil solid yung 11 na di acceptable yung proposition na yun,” ani Pangilinan sa panayam sa ANC.

Dagdag niya, nananatiling buo ang “Solid Bloc-11” sa pagsuporta kay Sen. Sherwin Gatchalian bilang susunod na lider ng Senado.

Sinabi rin ni Pangilinan na may ilang senador sa kanilang hanay na nagsasagawa ng back-channel talks para sa posibleng pagbuo ng bagong majority bloc sa mga susunod na buwan.

“There are several senators on our end doing back channel talks,” aniya.

“I’m not part of those assigned from our group to explore a ‘win-win.’ Win Gatchalian Senate presidency,” dagdag niya.

Sa tanong kung kailan maaaring mangyari ang pagbabago, sinabi niyang maaaring mabilis ang mga kaganapan, sabay sabing “one week is a long time.”

Kinumpirma rin ni Sen. Risa Hontiveros na nananatiling solid ang minority bloc sa pagsuporta kay Gatchalian, at binigyang-diin na isa itong seryosong mambabatas na pinapahalagahan ang dignidad at reputasyon ng Senado.

Ayon sa kanya, nakatuon ang kanilang grupo sa pagpapanumbalik ng tiwala ng publiko sa Senado kasunod ng mga pagbabago sa liderato at ilang isyu, habang ipinagpapatuloy ang mga gawain sa lehislatura at paghahanda para sa budget season at impeachment trial.

Samantala, iginiit ni Senate President Alan Peter Cayetano na nananatiling matatag ang majority bloc, at sinabing, “Buo ang 13, sa 13 walang onsehan.”

Pinagtibay naman ni Sen. Imee Marcos na nananatiling “solid 13” ang hanay ng mayorya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here