Home NATIONWIDE Pagtawag na ‘pro-life campaign’ ni Cayetano sa war on drugs, sinita ni...

Pagtawag na ‘pro-life campaign’ ni Cayetano sa war on drugs, sinita ni Abante

43
0

MANILA, Philippines — Binatikos ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante si Senate President Alan Peter Cayetano matapos nitong tawaging “pro-life campaign” ang drug war ng administrasyong Duterte sa kabila ng libo-libong nasawi.

Si Abante, na isa ring pastor-preacher at chair ng House Committee on Human Rights, ay nagsabing nakababawas sa usapin ng pananagutan at proteksyon ng buhay ang naging pahayag ni Cayetano.

“Let me remind SP Cayetano that we are [neither] a socialist nor a communist country. And he should realize no one can escape accountability,” ani Abante.

“We are a nation under God and the Constitution even says that life is sacred. He is supposed to be brilliant, who knows the Constitution,” dagdag niya.

Una nang dinepensahan ni Cayetano ang anti-drug campaign, at tinawag itong “human rights campaign” at “pro-life campaign,” sa kabila ng mga kontrobersiya sa libo-libong pagkamatay na iniugnay dito.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ilalim ng dating pangulong Rodrigo Duterte, umabot sa 6,252 ang napatay sa drug war, habang may mga kritiko na nagsasabing maaaring umabot ito sa 30,000. Kasalukuyang nililitis si Duterte sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague.

Giit ni Abante, dapat saklawin ng human rights ang mga biktima ng ilegal na droga at ang mga napatay nang walang due process.

“He (Cayetano) should study the real definition of human rights as enshrined in the Constitution. Even the United Nations is concerned about,” ani Abante.

Sinabi rin niyang taliwas sa turo ng Bibliya ang pahayag ni Cayetano, at iginiit na dapat pairalin ang pananagutan sa lahat ng panig ng drug war.

“One of the sins God hates according to Proverbs 6:17 is ‘hands that shed innocent blood,’” aniya.

Binigyang-diin ni Abante na bagama’t nakakasira ng buhay ang ilegal na droga, ang mga pagpatay na walang legal na batayan ay isa ring paglabag sa human rights. Ayon sa kanya, dapat manaig ang pananagutan at due process para sa parehong mga suspek sa droga at mga alagad ng batas o vigilantes na sangkot sa ilegal na pagpatay.

“Both who are killed because of drugs and the guns whether they’re vigilantes or police are human rights violations. What we are after is accountability and due process,” dagdag niya.

Ang anak ng dating pangulo na si Vice President Sara Duterte ay tumatakbo umano sa pagkapangulo sa 2028 at haharap din sa impeachment trial sa Senado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here