Home NATIONWIDE Balikatan 2026 binuksan na, sinalubong ng kilos-protesta

Balikatan 2026 binuksan na, sinalubong ng kilos-protesta

108
0

MANILA, Philippines – Pormal nang nagbukas ang taunang Balikatan Exercise ng Pilipinas at Estados Unidos ngayong Lunes, Abril 20 kung saan 17,000 tropa at ilan pang bansa ang inaasahang lalahok.

“I hereby declare Exercise Balikatan 41-2026 officially open starting today,” sinabi ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. sa opening ceremony.

“Let this exercise not only demonstrate our readiness but affirm our commitment to stand together, to act together, and when necessary, defend together,” dagdag pa niya.

Mahigit 17,000 sundalo mula sa Pilipinas, Estados Unidos at partner nations na Australia, Canada, France, Japan, at New Zealand ang lalahok.

Mayroon ding 18 pang bansa ang inaasahang magsisilbing observer sa exercise.

Ang mga drill ay isasagawa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas tampok ang air at missile defense, maritime security, live-fire exercises, at joint readiness operations.

Samantala, sinalubong naman ng kilos-protesta na pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan ang pagbubukas ng Balikatan Exercise 2026 sa labas ng Camp Aguinaldo.

Sinunog ng mga demonstrador ang caricature ni US President Donald Trump at kinondena ang mga military drill.

Dagdag pa, binatikos din ng mga ito ang administrasyong Marcos sa pagpayag ng pinalawak na presensya ng US sa bansa kasabay ng lumalalang tensyon sa pagitan ng US, Israel at Iran. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here