Home NATIONWIDE Lider, higit 10 iba pang miyembro ng NPA patay sa sagupaan sa...

Lider, higit 10 iba pang miyembro ng NPA patay sa sagupaan sa Negros

136
0

MANILA, Philippines – Patay ang mahigit 10 miyembro ng New People’s Army kabilang ang lider nito sa isang engkwentro sa Barangay Salamanca, Toboso, northern Negros Occidental, nitong Linggo, Abril 20 ayon sa
Philippine Army.

Ayon kay Brig. Gen. Ted Dumosmog, commander ng 303rd Infantry Brigade (303IB), ang mga nasawi ay narekober sa Sitio Plariding, o tatlong kilometro mula sa initial encounter site sa Sitio Sinugmawan.

Kabilang sa mga napatay ay ang lider na si Roger Fabillar, na kilala rin sa alyas na Arnel Tapang, Jhong, Nono, at Domeng.

Sa post sa Facebook ng 79th Infantry Battalion noong Abril 26, 2023, nag-alok ng P1 milyong pabuya sa ikaaaresto ni Fabillar dahil sa kaugnayan nito sa pagpatay sa mga sibilyan sa Calatrava at Toboso.

“As far as we are concerned, more than 10 rebels were killed because we have not yet fully accounted for all the remains,” ayon kay Dumosmog.

Nagsasagawa naman ng recovery at dokumentasyon ang mga tauhan ng SOCO sa lugar.

Aniya, ang grupo ay pinaniniwalaang remnants ng Northern Negros Front, bagamat tinitingnan din ang posibilidad ng reinforcements dahil sa hindi matukoy na mga casualty.

Ang bakbakan sa pagitan ng 79th Infantry Battalion at mga rebelde ay nagdulot ng paglilikas ng 653 residente sa Toboso nitong Linggo, ayon kay Mayor Richard Jaojoco.

Samantala, nagtamo naman ng sugat sa kamay ang isang sundalo dahil sa sagupaan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here