Home NATIONWIDE Balisong, bala nakumpiska ng OTS sa ilang debotong nagsimba sa Quiapo

Balisong, bala nakumpiska ng OTS sa ilang debotong nagsimba sa Quiapo

MANILA, Philippines – Ibat-ibang uri ng deadly weapon ang kinumpiska ng Office for Transportation Security (OTS) mula sa mga deboto na nagsimba sa Quiapo Church simula nang maglagay ng X-ray machine sa entrada ng simbahan.

Ayon kay OTS Office-in-Charge Assistant Sec. Jose Briones Jr., nagdeploy ang OTS ng mga tao mula sa ahensya upang mapanatiling panatag ang mga deboto habang idaraos ang Traslacion ngayong taon.

Alinsunod narin ito sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na handang magbigay ng serbisyo para sa gaganaping Traslacion para matiyak na walang makakapasok na anumang bagay na maaaring gamitin ng mga masasamang loob.

Kabilang sa mga nakumpiskang mga armas ay balisong at bala na itinuturing na maaaring makapagdulot ng kapahamakan sa mga deboto.

Nagdeploy ng Security Screening Officers ang ahensiya upang mag-operate ng X-Ray machine at magsiyasat ng mga deboto at kanilang mga bag papasok sa Quiapo Church. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleImbestigasyon ng Kamara sa PUV Modernization gugulong na
Next articleSandara, guest sa 33rd Seoul Music Awards!