MANILA, Philippines – Sisimulan na sa Miyerkules, Enero 10, ng House Committee on Transportation ang pagdinig nito kaugnay sa anomalya sa Public Utility Vehicle Modernization Program.
Ang motu proprio investigation ay gagawin ng komite kasunod na rin ng naging order ni House Speaker Martin Romualdez, ayon kay Antipolo City Rep. Romeo Acop.
“If we are to proceed with the modernization of our PUVs, we must make sure there is not even a whiff of irregularity,” pahayag ni Acop.
Ayon kay Acop isa sa tututukan sa imbestigasyon ay ang iregularidad sa sinasabing pakikipagsabwatan ng mga tiwaling opisyal sa negosasyon sa imported modern jeepney units.
Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na bukas sila sa gagawing imbestigasyon ng Kamara bagamat tinitiyak nito na walang katotohanan ang akusasyon sa korupsyon.
“We welcomes calls for a congressional inquiry into the PUV modernization scheme were we can present to lawmakers the next steps of the program now that the industry consolidation phase is over. But we do not understand the allegations. Hindi ko nakikita ‘yung issue about corruption as far as the issuance of the franchise is concerned,” depensa pa nito. Gail Mendoza