MANILA, Philippines – Naunsyaming muli ang nakatakda sanang pagpapatuloy ng pag-imprenta ng mga balota bukas para sa 2025 mideterm elections.
Ito ay kasunod ng panibagong temporary restraining order na inilabas ng Supreme Court laban sa diskwalipikasyon sa senatorial aspirant na si Francis Leo Marcos.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kailangan mag overtime ulit ang law department at Information Technology Department (ITD) dahil ang serialization, database ay babaguhin gayundin ang ballot faces.
Sinabi ni Garcia na 1,667 ballot faces ang kailangang baguhin ng Comelec.
Sa kabila nito, sinabi ng poll chief na mas mabilis ang proseso ngayon kumpara noong nakaraan dahil naamyendahan na ang election management system.
Sa ipinakitang ballot faces nitong Martes ng Comelec, kasama na ang pangalan ni Subair Mustapha na una an ring nakakuha ng TRO ula sa Korte Suprema.
Para sa mas mabilis na pag-imprenta ng mga balota, gagamitin na ng Comelec ang mga makina ng National Printing Office (NPO).
Umaasa naman ang Comelec na maabot ang target na April 14 daedline para matapos ang ballot printing .
Sa tulong ng mga makina ng NPO, kakayanin nilang ma-imprenat ng 1.5 milyong balota kada araw. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)