MANILA, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ngĀ Commission on Elections (COMELEC) ang pag-iimprenta ng mga opisyal na balota para sa 2025 Bangsamoro Parliamentary Elections.
Kasunod ito ng pagpasa sa Bangsamoro Transition Authority Parliament Bill No. 351 na nagbabago sa hatian ng pitong parliamentary seats na dating nakalaan sa Sulu.
Ayon sa Comelec, kailangang ipagpaliban muna ang printing upang masuri ang epekto ng redistricting at matiyak ang tamang implementasyon ng bagong batas.
Ang BARMM elections ay isasagawa sa Oktubre. Jocelyn Tabangcura-Domenden