MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na inaasahang makukumpleto ang ballot verification sa April 20 hanggang 21, kasunod ng pag-imprenta ng 53 milyong official ballots para sa Eleksyon 2025.
“Ang ating strategy, uunahin natin yung mga malalayong lugar bago yung malalapit. Pagdating ng April 15 to 20, Metro Manila at malalapit ng lugar ang aming ive-verify,” pahayag ni Comelec Chairperson George Garcia sa isang panayam nitong Linggo.
Dagdag ni Garcia, magsisimula ang distribusyon ng verified ballots sa ikalawang linggo ng Abril.
Gayundin, ipamamahagi ang voter information sheets sa buong bansa mula April 1 hanggang 30.
Magkakaroon naman ng access ang mga botante sa online precinct finder, na magiging available dalawang linggo bago ang 2025 elections para sa cybersecurity purposes.
Kasado ang araw ng halalan sa May 12, 2025. RNT/SA