Home METRO Balo itinumba sa Ilocos

Balo itinumba sa Ilocos

MANILA, Philippines – Itinumba ang 59-anyos na balo sa Barangay Libtong, Tagudin, Ilocos Sur nitong Huwebes, Mayo 2.

Ayon sa pulisya, ang biktimang si Flora L. Villamar, ay nakatayo sa harap ng bahay nito at nakikipagkwentuhan sa dalawang kapatid nang dumating ang mga lalaking sakay ng motorsiklo at binaril siya gamit ang caliber .45 na pistola.

Nagtamo ng mga tama ng bala si Villamar at kagyat dinala sa ospital ngunit idineklara ring patay.

Nakatakas naman ang mga suspek patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa insidente. RNT/JGC