Home METRO Konsehal, 5 kasamahan sugatan sa ambush sa Basilan

Konsehal, 5 kasamahan sugatan sa ambush sa Basilan

MANILA, Philippines – Sugatan ang anim na katao, kabilang ang isang konsehal matapos na tambangan ang mga ito sa Akbar, Basilan nitong Sabado, Mayo 4.

Sa imbestigasyo, ang mga biktima ay patungo sa Sitio Lessem, Barangay Upper Bato-Bato mula sa Tuburan, Basilan nang pagbabarilin ang mga ito ng mga armadong kalalakihan.

Gumanti naman ng putok ang mga biktima saka umalis sa ambush site.

Kinilala ang mga biktima na sina Husin Latip Kalang, municipal councilor ng Tuburan; Ryan Seyong Latip, Abubakar Atih Latip, Jemar Kalang, Ajim Jamaluddin, at Algafar Naser, lahat ay residente ng Tuburan.

Dinala ang mga ito sa Lamitan District Hospital sa Basilan at kalaunan ay inilipat sa Zamboanga City para gamutin ang kanilang mga tama ng bala.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung rido ba ang posibleng motibo ng pananambang. RNT/JGC