Home NATIONWIDE Magsasaka binaril-patay sa Negros

Magsasaka binaril-patay sa Negros

MANILA, Philippines – Binaril-patay ang isang 63-anyos na magsasaka sa Barangay Laga-an, Calatrava, Negros Occidental nitong Huwebes, Mayo 2.

Ayon kay Police Major Ronald Santillan, Calatrava police chief, ang biktima ay patungo sa kanyang sakahan nang makarinig ng mga putok ng baril ang kanyang anak.

Kalaunan ay nakita ang biktima na nakahandusay na sa lupa at may mga tama ng bala.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang motibo o kung “insurgency-related” ba ang insidente, bagama’t makatutulong ang mga nakalap na impormasyon para sa imbestigasyon.

Kamakailan ay inako ng New People’s Army ang pagpatay sa isang barangay tanod sa Barangay Laga-An.

Ani Santillan, ang biktima ay wala ring reklamo o derogatory record sa barangay. RNT/JGC