Home METRO Balut Island sapul ng M-4.3 quake

Balut Island sapul ng M-4.3 quake

MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 4.3 earthquake ang katubigan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani sa Davao Occidental, nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naganap ang tectonic quake ng alas-10:20 ng umaga, halos 371 kilometro (km) southeast ng isla, dagdag nito. Mayroon itong depth of focus na 53 km.

Wala pang natutukoy na instrumental o recorded intensity sa kasalukuyan, base sa state seismologist.

Anito pa, walang inaasahang aftershocks o pinsala sa ari-arian mula sa lindol. RNT/SA