Home HOME BANNER STORY Bam, Kiko nagulat sa mataas na pwesto sa election tally

Bam, Kiko nagulat sa mataas na pwesto sa election tally

MANILA, Philippines – Kapwa nagulat at hindi makapaniwala sina dating senador Paolo Benigno “Bam” Aquino IV at Francis “Kiko” Pangilinan sa pagsampa sa ikalawa at ikalimang pwesto ng partial at unofficial tally ng Commission on Elections.

Ito ay dahil na rin sa nakaraang pre-election surveys ay palagi silang nasa labas ng top 12.

“Our team has a Telegram thread, doon ko nakita na nasa Top 5 na nga. Akala ko fake news. Sa dinami dami na fake news na natatangap ko araw-araw sa kampanya, ang sabi ko, ‘Totoo ba ito? Baka disinformation ito,’ totoo pala,” pahayag ni Pangilinan sa isang panayam.

“Ako yata ang summa cum laude ng disinformation ng kampanyang ito kaya nakita natin apektado tayo sa mga surveys kaya ng lumabas I initially thought, well I couldn’t believe it. Hindi ako makapaniwala,” pag-amin nito.

Anang dating senador, dinouble-check pa nila ang mga impormasyon upang matukoy kung lehitimo talaga ang social media card na nagpapakitang siya ay nasa ikalimang pwesto.

Samantala, si Aquino naman ay nasa ikalawang pwesto na sa huling tally ay mayroong halos 17 milyong boto.

“This is really an unprecedented result. At yan po ay, gaya nang nasabi ko, hindi lang iyan dahil sa akin. Dahil ‘yan sa ating lahat,” ani Aquino.

“We worked extra hours, more than 90 days. We’ve done it [all],” dagdag pa niya.

“We didn’t expect yung ganitong klaseng paglabas ng resulta dahil nga base sa lahat ng mga surveys, wala tayo lagi sa top 12. And therefore, nasurpresa rin tayo. But at the back of our minds, sabi ko there is one path to victory. And it all depended on the last big push,” ayon naman kay Pangilinan.

“Sabi ko nga, kailangan namin ng milagro para manalo at mukhang ‘yun ang nangyari. In the last minute, people, maraming undecided who said, sige, bigyan natin ng chance,” dagdag pa nito. RNT/JGC