Home HOME BANNER STORY Bamban Mayor Alice Guo sinuspinde ng Ombudsman

Bamban Mayor Alice Guo sinuspinde ng Ombudsman

Kuha ni Cesar Morales l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at dalawa iba pa nang hanggang anim na buwan.

Ito ay kasunod ng paghahain ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng graft charges laban kay Guo sa umano’y kaugnayan nito sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa kanyang nasasakupan.

Ayon kay DILG Undersecretary Juan Victor Llamas, ang mga reklamo ay inihain sa Office of the Ombudsman noong Mayo 24 na nag-ugat sa pagbibigay ng permit ng alkalde sa Hongsheng Gaming Technology Inc. sa kabila na bigo ang kompanya sa pagkumpleto sa mga requirement at pagkakaroon ng expired license mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).

Itinanggi naman ni Guo ang kaugnayan sa POGO operation. RNT/JGC