
MANILA, Philippines – Upang protektahan ang kapaligiran, iginiit ng iba’t ibang environmental groups sa Asian Development Bank at sa pamahalaan na tuwirang tuparin ang climate obligation nito para maingatan ang mamamayan, at kapaligiran sa epekto ng fossil fuels sa bansa.
Sa ginanap na media briefing sa Quezon City, binigyang diin ng Civil Society Group sa ADB at sa gobyerno na panahon na para itigil ang paggamit at mga planong pagsusulong ng fossil fuels ng bansa at gumamit na lamang ang mga renewable at cleaner energy na hindi makakasama sa kapaligiran at kalusugan ng mga tao.