Home NATIONWIDE PH lalahok sa Ukraine peace summit

PH lalahok sa Ukraine peace summit

MANILA, Philippines – Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy nitong Lunes, Hunyo 3 na lalahok ang Pilipinas sa peace summit na gaganapin sa Switzerland ngayong buwan.

Si Zelenskyy ay dumating sa Manila nitong Linggo at nagkaroon ng bilateral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang kauna-unahang bilateral ties ng Pilipinas at Ukraine sa kasaysayan.

”I am grateful to the Philippines for supporting Ukraine’s sovereignty and territorial integrity, for its clear position on Russia’s aggression against our country, and for supporting important UN resolutions. Ukraine intends to open an embassy in Manila this year to strengthen bilateral cooperation,” ani Zelenskyy.

”We discussed the inaugural Global Peace Summit and the importance of Southeast Asian countries being represented there. I am pleased that the Philippines will participate in the Summit,” dagdag pa niya.

Wala pang opisyal na pahayag ang pamahalaan kung personal bang dadalo si Marcos sa Global Peace Summit o magpapadala ng representative.

Sa pinakahuling IISS Shangri-La Dialogue, sinabi ni Zelenskyy na ang diplomasya sa pamamagitan ng peace summit, ay mainam na paraan upang tapusin ang “cruel war” na kumitil sa buhay ng libo-libong tao sa kanyang bansa mula pa noong 2022.

Bukod sa peace situation, pinag-usapan din ng dalawang lider ang bilateral cooperation, partikular ang Ukrainian agricultural exports sa Pilipinas.

Iniulat noong nakaraang buwan na ang Switzerland ay mayroon nang mahigit 50 registrations mula sa mahigit 160 delegasyon ng neutral country na inimbitahan para sa summit. RNT/JGC