Home NATIONWIDE 17 out of 41 pasado sa Dental Hygienists Computer-Based Licensure Exam

17 out of 41 pasado sa Dental Hygienists Computer-Based Licensure Exam

MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 17 sa 41 na mga kumuha ng Dental Hygienists Computer-Based Licensure Examination ang nakapasa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Hunyo 3.

Ang pagsusulit ay ibinigay sa National Capital Region ng Board of Dentistry.

Iaanunsyo naman ang oath-taking ng mga nakapasang nagsulit.

Ayon sa PRC, simula Agosto 5, 2024, ang registration para sa Professional Identification Card at Certificate of Registration ay gagawin online sa www.prc.gov.ph. RNT/JGC