Home NATIONWIDE Ban sa POGO win-win sa mga Pinoy – Akbayan

Ban sa POGO win-win sa mga Pinoy – Akbayan

183
0

MANILA, Philippines – Panalo ang mga Pinoy sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na i-ban na ang POGO sa bansa, ayon sa Akbayan Youth.

Sa isang statement, sinabi ng Akbayan Youth na pabor sa mga Pinoy na nabibiktima ng sindikato ng POGO ang tuluyan nang pagban dito habang maituturing na “death knell” naman para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na siyang mastermind sa pagpasok ng POGO sa bansa.

Giit ng Akbayan, hindi lamang dapat ang pagbabawal sa POGO ang gawin ng pamahalaan bagkus dapat habulin at panagutin ang mga nasa likod nito.

“It’s time to free Filipinos and other nationalities who are caged by the POGOs and lock up the Dutertes who have allowed its entry,” giit nito.

Samantala, dapat umanong pasalamatan ng administrasyon si Senador Risa Hontiveros na nanguna sa imbestigasyon ng POGO syndicates.

Sa panig ng Akbayan Party, ikinatuwa nito ang naging posisyon ng Marcos administration sa POGO at sa West Philippine Sea (WPS).

“By fortifying our stance on the West Philippine Sea, President Marcos Jr. heeded the collective aspirations of Filipinos to assert our territorial integrity amid China’s violence and harassment against our fishers and frontliners. This declaration not only underscores our dedication to upholding international law but also embodies a formidable defense of our national interests,” ayon sa Akbayan Party.

Umapela din ang Akbayan na tiyakin ng pamahalaan na mahigpit na maipapatupad ang POGO ban.

“The ban on POGOs addresses critical issues of corruption, criminal activities, and their detrimental socio-economic impacts. We call for the strict enforcement of this ban,” giit pa ng grupo. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here