MANILA, Philippines – Tatlong daan na Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang maayos na nailipat sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) nitong Linggo, Hulyo 21.
Bahagi ito ng inisyatiba ng Bureau of Corrections upang mabawasan ang populasyon ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Bago ang paglilipat, isinailalim muna ang 300 PDL sa komprehensibong pagproseso, pagkapkap at medical check-up.
“Once the necessary procedures were completed, they were distributed among the Central Sub-colony, Inagawan Sub-colony, and Montible Sub-colony within the IPPF.”
Ayon sa BuCor, umaabot na sa 2,680 PDL ang nailipat na kabilang ang 100 babaeng PDLs na inilagay sa Correctional Institution for Women sa Sta. Lucia. Teresa Tavares