MANILA, Philippines – “Disregard” of “history and facts.”
Ganito kung ilarawan ng isang unnamed China Foreign Ministry spokesperson ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa usapin ng West Philippine Sea (WPS) sa kamakailan lamang na Shangri-La Dialogue.
Sa ipinalabas na kalatas ng China Embassy sa Maynila, sinabi nito na iginiit ng naturang tagapagsalita na “China has indisputable sovereignty over Nanhai Zhudao, and sovereign rights and jurisdiction over relevant waters.”
Ang “Nanhai Zhudao” ay isang China-made concept, binubuo ng mga Isla sa South China Sea (Paracels at Spratlys), o halos ang 9-dash line. Ang konseptong ito ay binasura ng 2016 Arbitral Award dahil mas kinilala nito ang Philippine maritime entitlements at sovereign rights.
Ang pag-angkin ng Tsina ay base sa mga aktibidad ng mga tsino mahigit 2,000 taon na ang nakalilipas, kung saan sinasabing kabilang dito ang paglalayag at pagtuklas sa mga ‘features – concepts’ na binigyang-linaw na ng modern day international law.
Sa isinagawang 21st International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore, muling inulit ng Pangulo ang commitment ng kanyang administrasyon na itaguyod at pagtibayin ang soberanya ng Pilipinas at protektahan ang teritoryo nito sa gitna ng mga hamon sa WPS.
Iginiit ng Punong Ehekutibo na ang mga alituntunin na nagsisilbing gabay sa katubigan ay hinugot mula sa international law at ang pakahulugan ng Pilipinas sa teritoryo nito ay batay sa international law at hindi sa pamamagitan ng “baseless claims.”
Malinaw na binigyang kahulugan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang territorial sea (12NM zone mula sa baseline); Exclusive Economic Zone (200NM mula sa baseline) ng estado; at maging ang high seas na bukas sa lahat ng estado at mayroong freedom of navigation at overflight.
Sa kabilang dako, iginiit din ng unnamed China Foreign Ministry spokesperson na nilabag ng Pilipinas ang commitments nito at gumawa ng probokasyon sa karagatan, sa kabila ng mga serye ng harassments mula sa China Coast Guard gamit ang water cannon at mapanganib na pagmamaniobra na nagpahirap sa Philippine vessels.
“The Philippines frequently infringed on China’s rights and made provocations at sea, brought in forces outside the region to form blocs and flex muscles in the South China Sea, and spread disinformation to vilify China and mislead the international perception on this matter.”ayon pa rin unnamed China Foreign Ministry spokesperson.
Ang kalatas pa rin ng unnamed China Foreign Ministry spokesperson ay panawagan sa Estados Unidos na tigilan na ang pagsuporta sa Pilipinas.
“In particular, driven by selfish geopolitical calculations, the US has played an extremely ignoble role by supporting and assisting the Philippines in infringing on China’s sovereignty, and by exploiting the South China Sea issue to drive a wedge between China and other regional countries. Who exactly does the Philippine foreign policy serve now? Whose bidding is the Philippines doing with all these maritime actions? The answer is pretty clear to anyone with sound judgement. Trying desperately to justify the unjustifiable will not help the Philippines build trust with the international community. Countries in the region need to stay vigilant and always make sure that they themselves are the ones sitting in the driver’s seat when it comes to the peace and stability of the South China Sea,” ang litaniya ng unnamed China Foreign Ministry spokesperson.
Samantala, iginiit pa rin ng unnamed China Foreign Ministry spokesperson na ang situwasyon sa WPS ay ‘stable’ at committed ang Tsina na hawakan ang usapin sa pamamagitan ng negosasyon “on the basis of respecting historical facts.”
Muli namang inulit ng unnamed China Foreign Ministry spokesperson ang panawagan nito sa Pilipinas na kilalanin at dakilain ang commitments nito sa kabila ng hindi nagawang makapag-produce ng anumang nilagdaang tratado o kasunduan. Kris Jose