Home METRO Bangkay lumutang sa Linawan river sa Bulacan

Bangkay lumutang sa Linawan river sa Bulacan

106
0

Bulacan- Matigas na bangkay nang matagpuan ng mga awtoridad ang isang 28-anyos na lalaki na umano’y nalunod sa ilog ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Roy Xavier Irtuladumas, residente ng Brgy. Minuyan Proper.

Sa report ng SJDM police, natagpuan ang palutang-lutang na bangkay bandang alas-9:30 ng umaga nitong Hulyo 25 sa ilog sakop ng Sitio Linawan, Brgy. Dulong Bayan.

Ayon sa imbestigasyon, nadiskubre ang palutang-lutang at inaanod na bangkay ng ilang nakatambay sa Linawan river.

Pinaniniwalaang aksidenteng nahulog hanggang tuluyang anurin ng rumaragasang agos at lamunin ng ilog na ikinamatay ng biktima.

Agad namang humingi ng tulong ang mga awtoridad sa SOCO para maiproseso ang bangkay. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here