Home METRO BuCor: Mga preso ligtas sa hagupit ng habagat, bagyo

BuCor: Mga preso ligtas sa hagupit ng habagat, bagyo

132
0

MANILA, Philippines- Ligtas at nasa maayos ang kalagayan ng lahat ng persons deprived of liberty (PDLs) maging ang mga tauhan ng iba’t ibang prison facilities at penal farms sa hagupit ng Habagat na pinalakas ng bagyong Carina.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na walang anumang malubhang insidente ang naiulat sa kanya maliban sa maliit na pinsala na natamo ng perimeter fence sa Correctional Institute for Women Medium Security Compound sa Mandaluyong.

“All the other OPPFs (operating prison and penal farm) have no significant incidents reported,” ani Catapang.

Sinabi ni Catapang na umaga ng Miyerkules pa lamang ay inilagay na niya sa heightened alert status ang lahat ng OPPFs at nanatili ang alert status hangga’t hindi lumalabas sa Philippine area of responsibility ang bagyong Carina.

Kabilang sa OPPFs na sakop ng BuCor ay ang New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City, Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan, San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte at Davao Prison and Penal Farm.

Samantala, iniulat naman ng Supreme Court na walang natamo na malubhang pinsala ang mga gusali ng korte sa pagtama ng bagyo.

Sinabi ni SC spokesperson Camille Ting na batay sa inisyal na mga ulat, maliit lamang ang idinulot na pinsala gaya ng masamang lagay ng panahon tulad ng mga nabasang court records at kagamitan. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here