Home NATIONWIDE Bangkay ng 2 piloto sa bumagsak na Cessna plane narekober na

Bangkay ng 2 piloto sa bumagsak na Cessna plane narekober na

MANILA, Philippines – Narekober na ng mga awtoridad ang bangkay ng dalawang tao na sakay ng Cessna plane patungong Cagayan na bumagsak sa Apayao noong Martes.

Narekober ng Apayao Search, Rescue, and Retrieval (SRR) team at mga rescuer ng militar ang mga bangkay at ang black box ng eroplano malapit sa Sitio Matad sa Barangay Salvacion, inihayag ng pamahalaang panlalawigan Huwebes ng gabi.

Kinilala ang dalawang pasahero na sina Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo, 24, at student pilot at Indian natonal na si Anshum Rajkumar Konde, 20.

Sinabi ng mga opisyal ng Apayao na ang bangkay ni Tabuzo ay naibalik na sa kanyang pamilya, habang ang kay Konde ay ibibigay sa Indian Embassy. RNT