Home METRO Bangkay ng 9-anyos na batang babae na nakalagay sa sako, umalingasaw sa...

Bangkay ng 9-anyos na batang babae na nakalagay sa sako, umalingasaw sa Bukidnon

119
0

MALAYBALAY CITY, Bukidnon — Patay at nakalagay sa sako nang matagpuan sa gilid ng bangin ang isang 9-anyos na batang babae na ilang araw nang nawawala sa Barangay Can-ayan, Malaybalay City.

Base sa awtoridad, natagpuan ang bangkay ng biktima noong Biyernes ng umaga sa isang liblib na lugar, nakalagay sa sako.

Nawawala ang bata mula pa noong Abril 14 at kinilala ng kanyang mga kaanak ang bangkay.

Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay at kung pinagsamantalahan ang biktima, dahil may senyales na nagsisimula na itong maagnas.

Ayon sa tagapagsalita ng Bukidnon Police Provincial Office na si Police Captain Shiela Joy Jangad, masusing iniimbestigahan ang krimen upang mabigyan ng hustisya ang pamilya ng biktima.

Mayroon nang person of interest ang pulisya ngunit tumanggi muna silang maglabas ng detalye habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nag-alok naman ng ₱50,000 na pabuya si Malaybalay City Councilor Jason Chad Ayala para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon upang maresolba ang kaso. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here