Home METRO Binata, matapos makasagasa, nasawi sa salpok sa trak sa Sarangani

Binata, matapos makasagasa, nasawi sa salpok sa trak sa Sarangani

113
0

MAASIM, Sarangani — Dalawa ang nasawi matapos ang sunod-sunod na insidente ng hit-and-run, banggaan, at mabilis na takbo ng sasakyan sa Maasim.

Batay sa CCTV, nakaparada ang isang truck sa national highway sa Barangay Poblacion noong madaling araw ng Sabado, Abril 18, nang bigla itong mabangga sa likod ng isang kotse na mabilis ang takbo. Dahil sa impact, umabante ang truck.

Nasawi sa lugar ang driver ng kotse, isang residente ng Glan at bagong graduate ng senior high school, dahil sa matinding pinsala.

Ayon sa pulisya, ang parehong sasakyan ay naunang nakasagasa ng dalawang 14-anyos na lalaki na nagjo-jogging sa Barangay Kabatiol. Isa sa mga bata ang idineklarang dead on arrival sa ospital, habang kritikal ang lagay ng isa pa.

Sinabi ng pulisya na maaaring nasa ilalim ng pressure ang driver at tumakas matapos ang unang insidente, dahilan upang bumilis ang kanyang pagmamaneho at tuluyang bumangga sa truck.

“Sa tingin ko, unang-una sa pressure na hindi man sa kanya ang sasakyan, tinatawagan siya na isauli na, so umuwi siya. Then siguro, sa pagmamadali, nasagasaan yung dalawang minor. Tapos nakasagasa siya, tumakas siguro siya, pinabilisan niya masyado ang patakbo, pagdating doon sa Purok Tinago, nabundol naman niya yung likod ng truck,” ayon Malaybalay City Councilor kay Edgar Vanzuela.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa buong pangyayari. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here