PANGASINAN-Isang bangkay ng babae ang nakitang palutang-lutang sa Bued River sa Brgy. Cayanga, San Fabian ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Mayo 15.
Ang biktima ay nakasuot ng kulay blue na T-shirt na may Adidas na markings, blue pants, kulay blue na sapatos at nakasuot ng gold ring sa kanyang ring finger.
Nasa 5’2” ang height nito, medium build, at tinatayang nasa pagitan ng 30-40 ang edad.
Sa isinagawang pagsisiyasat ni Dr. Jose b. Quiros, Jr., Municipal Health Officer, wala siyang nakitang external injury sa katawan ng biktima at wala rin siyang nakitang palatandaan ng foul play.
Pinaniniwalaang nalunod ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito. Rolando S. Gamoso