MANILA, Philippines – Isang security guard na naka-duty sa isang hotel ang binaril ng isang motorcycle rider, sa harapan ng isang hotel sa Arnaldo Highway, Gen Trias City, Cavite.
Sa report, kinilala ang biktima na si Nilo Martines, isang Civilian Guard ng Ranchotel Hotel na ginamot sa ospital dahil sa tama ng bala sa hita at kaliwang bahagi ng tiyan.
Tinutugis naman ang suspek na naka-motorsiklo, nakasuot ng kulay green na jersy at itim na helmet na half face na tumakas matapos ang insidente. MARGIE BAUTISTA