MANILA, Philippines – Isang babae ang natagpuang patay sa loob ng itim na garbage bag sa San Lorenzo Street, Barangay Payatas, Quezon City, noong Martes ng umaga, Mayo 13.
Ayon sa mga basurero, napansin nilang mabigat ang sako kaya nila ito binuksan. Nang makita nila ang kamay ng biktima, nagsitakbuhan ang mga tao sa paligid.
Walang bakas ng dugo sa katawan kaya hinihinalang posibleng sinakal ang babae. Ayon sa kanila, matigas na ang bangkay at maaaring naiwan ito roon ng isang araw.
Deskripsyon ng biktima:
-Babaeng tinatayang 30–40 taong gulang
-May taas na 5’1”
-Payat
-Maputi
-May suot na singsing at maraming sapin ng damit
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. Tinitingnan nila ang posibilidad ng foul play dahil itinapon ang katawan sa basura. Sinasala rin nila ang CCTV sa lugar para matukoy kung sino ang nagtapon ng bangkay. Santi Celario