Home NATIONWIDE 30 wanted katao nasakote sa pagboto sa eleksyon

30 wanted katao nasakote sa pagboto sa eleksyon

MANILA, Philippines – Umaresto ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng 30 wanted persons sa dalawang araw na operasyon simula Mayo 12, kasabay ng halalan.

Kabilang sa mga kaso ng mga naaresto ay rape, droga, estafa, at pagnanakaw.

Pinakamarami ang naaresto sa Luzon (17), habang 8 sa Mindanao at 5 sa Visayas.

Pinuri ni CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre ang mga operatiba sa kanilang sipag at dedikasyon. Aniya, “Walang holiday sa CIDG—HULI-day lang.” RNT