Home NATIONWIDE Bangkay ng lalaki lumutang sa dagat sa Cebu

Bangkay ng lalaki lumutang sa dagat sa Cebu

MANILA, Philippines – Natagpuang palutang-lutang ang nabubulok nang bangkay ng isang lalaki sa dagat na sakop ng Brgy. Bato sa Toledo City, Cebu.

Sa pagberipika, ang biktima ay kinilalang si Neil Ian Talisic, 30-anyos na residente ng Anunang Sur sa Bogo City, na iniulat na nawawala noong nakaraang linggo.

Sinabi ng Toledo City Police na dalawang mangingisda ang nakakita sa katawan ni Talisic, bandang 7:55 ng umaga nitong Sabado, Marso 1 habang nangingisda sa bisinidad ng Brgy. Bato.

Agad na hinila ng mga mangingisda ang katawan sa tabing-dagat at saka iniulat sa barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na huling nakitang buhay si Talisic sa kanyang tirahan noong Pebrero 22.

Umalis umano si Talisic para mangisda sa bayan ng San Remigio ngunit hindi na nakauwi.

Inilunsad ang search and rescue operation ngunit inihinto dahil sa malalaking alon. RNT/JGC