Home METRO Bangkay ng lalaki lumutang sa tulay sa Isabela

Bangkay ng lalaki lumutang sa tulay sa Isabela

1
0

CABAGAN, Isabela – Isang bangkay ng isang lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa ilalim ng Cansan Bridge dito sa nasabing bayan.

Agad na inihaon ng mga residente katuwang ang mga awtoridad ang naturang bangkay matapos itong mamataan sa ilog.

Ayon sa inisyal na ulat, hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan at mismong itsura ng bangkay dahil sa pamamaga at paglobo ng ilang bahagi ng katawan at mukha nito.

Panawagan ng otoridad na makipag ugnayan sa kanilang himpilan kung mayroon nawawalang kamag-anak upang matukoy ang pagkakilanlan. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here