Home HOME BANNER STORY Makati, Maynila, Pasay makararanas ng pagkaantala ng suply ng tubig mula Set....

Makati, Maynila, Pasay makararanas ng pagkaantala ng suply ng tubig mula Set. 29-30

1
0

MANILA, Philippines – Makakaranas ng pitong oras na pagkaantala sa suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Makati, Manila at Pasay mula alas-7 ng gabi sa Setyembre 29 hanggang alas-2 ng madaling araw sa Setyembre 30, 2026.

Ayon sa Maynilad Water Services Inc., isasagawa ang water audit sa mga bahagi ng Quirino Avenue at Osmeña Highway sa Maynila.

Kabilang sa mga apektadong lugar sa Makati ang Bangkal, Magallanes, Palanan, Pio del Pilar at San Isidro. Sa Pasay, apektado ang Barangays 1 hanggang 7, 9, 14 hanggang 20, 23, 33 hanggang 37, 41 hanggang 49, 51 hanggang 53, 55 hanggang 68, 71 hanggang 75, 80 hanggang 138 at 140 hanggang 143.

Sa Maynila naman, apektado ang ilang barangay mula 659 hanggang 872, kabilang ang 659-A, 660-A at 664-A.

Pinayuhan ng Maynilad ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang nakatakdang interruption. Naka-standby rin ang mga water tanker na maaaring i-deploy sa mga apektadong lugar upang magbigay ng maiinom na tubig kung kinakailangan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here