Home METRO Bangkay ng lalaki sa Catanduanes, natagpuang nakagapos at nakabalot

Bangkay ng lalaki sa Catanduanes, natagpuang nakagapos at nakabalot

MANILA, Philippines – Natagpuang patay, nakagapos ang kamay at paa, at nakabalot pa ang ulo ng isang lalaki sa Caramoan, Catanduanes.

Ayon sa pulisya, nakabalot ng packing tape ang ulo ng biktima na Nakita ng grupo ng mga kabataan sa ilalim ng tulay.

Tinutukoy pa ang pagkakakilanlan ng biktima at kung sino ang pumatay sa kanya.

Agad na inilibing ang bangkay sa sementeryo sa lugar. RNT/JGC