Home SPORTS Obiena laglag sa 4th sa Paris Diamond League

Obiena laglag sa 4th sa Paris Diamond League

MANILA, Philippines — Hindi nakapasok sa podium ng Meeting de Paris Diamond League ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena matapos mahirapan nang husto sa preview ng Paris Olympics noong Linggo ng gabi (oras ng Manila).

Natapos si Obiena na tabla sa ikaapat na puwesto sa torneo kasama si Emmanouil Karalis ng Greece nang makalampas siya sa 5.75 metro bago nabigo sa kanyang mga pagtatangka sa 5.85 metro at 5.95 metro.

Nagsimula siyang malakas, lumampas sa 5.50 metro nang madali.

Nagtangka ang  28-anyos na Asian Games gold medalist ng 5.75 metro at nagkaroon ng malinis na pagtalon.

Sinubukan niya ang  5.85 metro subalit hindi niya nagawang lusutan ito sa dalawang pagtatangka.

Pagkatapos, bigo rin siya sa kanyang nag-iisang pagtatangka sa 5.95 metro, na nagresulta sa kanyang maagang paglabas.

Naghari s kumpetisyon ang  Olympic gold medalist na si Armand Duplantis matapos lusutan ang taas na 6 meters.

Tinangka niyang lumampas sa 6.25 metro, ngunit nabigo siya sa tatlong pagtatangka.

Pumapangalawa si Sam Kendricks ng United States na may 5.95 metro.

Pumapangatlo si Thibaut Collet ng France na may 5.85 metro.