MANILA, Philippines- Dalawang indibiwal ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Greater Lagro, Quezon City nitong Miyerkules.
Ayon sa ulat, nadiskubre ng barangay officials at safety officers ang mga bangkay ng isang 72-anyos na babae at 37-anyos nitong pamangking lalaki.
Pinasok ng mga awtoridad ang bahay matapos mapansin ang nakasusulasok na amoy at natagpuan ang mga labi na nagsisimula nang maagnas.
Anila, nakatanggap sila ng ulat mula sa katrabaho ng lalaki na walang tumugon nang katukin ang tahanan.
Ayon sa kanyang katrabaho, hindi na nakabalik ng trabaho ang lalaki matapos maghain ng sick leave noong April 25.
Base sa mga imbestigador, walang senyales na pwersahang pinasok ang bahay at naroon din umano ang gamit ng mga biktima.