Home METRO Bangkay ng magpinsang binata, natagpuan sa bakanteng lote

Bangkay ng magpinsang binata, natagpuan sa bakanteng lote

MAGSAYSAY, Davao del Sur-PINANINIWALAAN biktima ng salvage o summary execution ang bangkay ng magpinsan binata makaraan matagpuan ang mga ito sa bakanteng lote nitong Sabado, Abril 6 sa bayang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Matt Dumalaba, 18-anyos; at Norhan Alison, 16-anyos, at kapwa residente ng Central Malamote, Matalam, North Cotabato.

Batay sa report ng Magsaysay Municipal Police Station, bandang 9:00 AM nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa bakanteng lote sa Km. 85, National Highway, Barangay New Opon, Magsaysay, Davao del Sur.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bandang 4:00 PM noong Abril nagpaalam ang mga biktima sa kanilang mga magulang na pupunta ng Kabacan, North Cotabato ngunit hindi na nakabalik ang mga ito.

Hanggang sa nakita na lamang ng mga residente sa nabanggit na lugar ang bangkay ng dalawa na may pasa at saksak ang iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nakitaan rin ng senyales na iginapos ang mga paa, kamay, at leeg ng dalawa dahil sa mga marka.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek. Mary Anne Sapico