Home NATIONWIDE Tourist vehicle malaking tulong sa pagpapaunlad ng Turismo sa bansa – DOTR...

Tourist vehicle malaking tulong sa pagpapaunlad ng Turismo sa bansa – DOTR chief

MANILA, Philippines – SINABI ni DOTr Secretary Jaime Bautista na malaking tulong sa pagpapaunlad ng bansa ang tourist vehicle upang ipakilala ang mga magagandang tourist destination ng Pilipinas.

Hinikayat din nito ang publiko na tangkilin ang pagsakay sa mga tourist vehicle upang muling makabangon ang mga ito sa naging epekto ng pandemya.

Sa ginanap na oathtaking ng mga bagong opisyal ng Tourist Vehicle and Travel Association Inc sa Quezon City, sinabi ni Secretary Bautista ang ambag na tulong ng tourist vehicle industry sa mobility at tamang infrastracture para marating ng mga turista na ligtas at komportable sa kanilang destinasyon.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Bautista na hindi madali at kumplikado ang pagiging operator ng sasakyan tulad ng tourist vehicle kayat nagpapasalamat siya sa pagbuo ng naturang samahan para makatulong sa pamahalaan na mapasigla ang turismo sa bansa at makalikha ng dagdag na trabaho sa mamamayan.

Sinabi pa ng Kalihim na bukas ang kanyang tanggapan sa mga transport association tulad ng Tourist vehicles para masolosyunan ang problema ng sektor.

Samantala sinabi naman ni Gabriel Asiatico, Presidente ng Tourist Vehicle Transport Assn of the Philippines na patuloy na magiging kaagapay ng pamahalaan ang kanilang samahan sa pagpapaunlad ng turismo at paglikha ng dagdag na trabaho alinsunod na rin sa adhikain ng Bagong Pilipinas Program ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kaugnay nito hinikayat ni Bautista na tulungan ang transport upang walisin ang kotong at colorum vehicle. Santi Celario