Home METRO Bangkay ng nawawalang saleslady, itinapon sa gubat

Bangkay ng nawawalang saleslady, itinapon sa gubat

187
0

LA UNION, Philippines – Palaisipan ngayon sa mga awtoridad ang pagkamatay ng nawawalang saleslady matapos matagpuan ang bangkay nito sa magubat na bahagi sa bayan ng Naguilian.

Kinilala ang biktimang si Thelma Liza Cachero, 29-anyos, at residente ng San Isidro, Naguilian, La Union,

Batay sa report ng Naguilian Municipal Police Station (MPS) bandang 7:00 AM Pebrero 2, 2026 natagpuan ang bangkay ng biktima sa bulubunduking bahagi ng Sitio Mallare, Barangay Balecbec, ng nabanggit na bayan.

Ayon sa pulisya, natagpuan ng isang residente na nagpapastol ng kanyang mga alagang baka ang bangkay ng biktima at halos naagnas na ito.

Naiulat na nawawala ang biktimang noong Enero 30, 2026.

Nagpapatuloy ang ginagawang masusing imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran pagdakip. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here