Home METRO Bangkay ng prinsipal, umalingasaw sa kalsada

Bangkay ng prinsipal, umalingasaw sa kalsada

211
0

MAGUINDANAO DEL NORTE – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang principal na pinaniniwalaang biktima ng summary execution o salvage matapos itapon ang kanyang bangkay sa gilid ng kalsada kahapon sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Kinilala ang biktimang si Ustadz Abu Sadid Landasan Mudeer, principal ng Madrasatul Alnor Al-Islamie sa Purok 7, Sitio Salinangan, Barangay Lawili, Aleosan, North Cotabato.

Batay sa report ng DOS Municipal Police Station, natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-2:00 ng hapon ng Setyembre 8, 2025 sa Sitio Linamunan, Barangay Taviran ng nasabing bayan.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, nadiskubreng nakagapos ang mga kamay at paa ng biktima, may mga saksak sa dibdib, at tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay PLtCol Hadji Esmael Madin, hepe ng DOS-PNP, nagsasagawa na sila ng masusing imbestigasyon upang alamin ang tunay na motibo sa krimen at matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek para sa agarang pagdakip. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here